Biyernes, Oktubre 2, 2015

ADBOKASIYA: PAGPATAY NG ASIGNATURANG FILIPINO SA BAGONG KURIKULUM NG K12

Sa paglipas ng panahon marami na ang nagbago dito sa pilipinas, at ngayon may malaking pagbabago na mangyayari at ito ang “pagpatay ng asignaturang filipino sa kurikulum ng k12”.


Hindi tama ang lohika ng CHED na tanggalin ang pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa kolehiyo kung pagbabatayan ang karanasan ng mga ibat ibang unibersidad sa mga ibang bansa, na karamihan pa nga ay mataas ang ranking kaysa sa pilipinas. Ang sabi ng iba na sapat na raw ang maituro ang wikang Filipino sa K12, pero kung tatanggalin niyo ang wikang Filipino sa bagong kurikulum marami ang magababago at maaapektuhan. Tatanggalin nila ang isa sa pinakamahalagang Asignatura dito sa pilipinas.


Ito ang wika ng diskurso, wika ng mga ordinaryong mamamayan, wika ng demokratisasyong pampulitika, at obra maestra ng mga wikang rehiyonal sa Filipinas. Samakatuwid, ito ang salamin ng ating kolektibong identidad. Ito ay lubos na makakaapekto sa maraming tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento