Pinagisipan naming maigi ang titulong aming itatalaga para sa aming proyekto dahil dapat na sa titulo pa lamang ay makuha na naming ang pansin ng marami.
“Pagpatay ng Asignaturang Filipino sa Bagong Kurikulum ng K12”, minabuti naming ang pagpili sa titulong ito, dito pa lamang ay malalaman na ang mungkahi ng aming pangkat. Nais namin na mabigyan ng matibay na pansin ang pagpasok ng bagong kurikulum ng CHED. Nais naming maingganyo ang marami upang mabulsan ang kanilang mga isipan sa mga napaloob na isyu ng K12.
Marami na ang bumabatikos sa Planong ito pero kailangan pa ng mas malakas na pwersa upang mapagtuunan ito ng pansin ng gobyerno. At inaasahan namin na makakaingganyo kami ng maraming tao para mapagtagumpayan na bigyan ng katarungan ang isyung ito. Karamihan ng mga tao ay natatakot sa salitang “pagpatay” ngunit sa aming titulo adhikain ng aming grupo ay ang ipaalam ang mga maaaring mangyare kapag namatay ang asignaturang Filipino.
Ang asignaturang Filipino ay hindi lamang isang paksa na nagiging bahagi ng institusyon o unibersidad. Ito ay kinakailangan ng bawat estudyanteng Pilipino upang maibahagi ang kanilang kaalaman, hindi lamang sa sariling wika kundi karunungan sa kung paano natin maipauunlad pa ang ating bansa. Ang ating gobyerno ay ang kalimitang sinisisi sa mga pangyayare na hindi kaaaya aya sa mata ng masa. Ngunit, hindi lahat ng mga suliranin ay pwede nating iasa sa mga tao na nasa gobyerno. Ang aming titulo ay hindi lamang isang tikha na gustong ilaban, kundi ito rin ay aming karapatan upang malaman ng karamihang Pilipino ang mga suliranin para mas maipaunlad at maiayos ang ating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento