Biyernes, Oktubre 2, 2015

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN

Sa makabagong mundong ginagalawan naming mga kabataan, nais naming pagusapan at pag-aralan ang wika sa edukasyon. Sa kadahilanang madami na ang nagbabago at hindi malayong makalimutan na ng mga Pilipino ang kanilang noon ay kinasanayan. Ito ay makabuluhang pagsasaliksik at makakapagmulat ito ng kaisipan sapagkat mabibigyan pansin nito ang importansya ng pagpapalawak at pagpapayaman ng kaalaman ng hindi kinakalimutan ang paggamit ng wikang Filipino. Ito ang ating tanda ng pagkakakilanlan gamit sa pakikipagtalastasan kaya hindi dapat kalimutan.


Sa pagtatapos nito sana’y mapansin ng mga kinauukulan ang nais naming magaaral na ipaabot sa kanila. Ang pagbabago at pag-unlad na nais nila ay hindi sana magdulot ng pagkakalimot sa nakaraan, dahil hindi lahat ng nakalipas ay kailangan kalimutan kundi baunin pa din sa pagpapatuloy ng buhay.


Layunin ng pagsasaliksik na ito na hindi mabalewala ang paggamit ng wikang Filipino sa bagong kurikulum ng K12, dahil ito ang pinakamabisang gamitin ng karamihan sa ating mga Pilipino. Kung sakaling mapapatupad ang ganoong palakad, mawawala ang kultura noon dahil iba na ang matutunan ng mga kabataan ngayon. Hindi naman nangangahulugan na ang pag-unlad ng ekonomiya na ng bansa ay nakasalalay sa edukasyon na galing lamang o impluwensya lamang ng ibang bansa, dapat nating malaman malaki din ang ginagampanan ng ating sariling wika dito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento