Tayong mga Pilipino ay nabuhay na may Wika. Wika na sinasalita, wika na pinaglalaban at pinagmamalaki. Pero tama ba na tanggalin na lang ito ng basta sa bagong Kurikulum ng CHED? Makakatulong ba ito para sa mga Magaaral?
Ang pagpapatupad ng rebisyon sa kurikulum sa Kolehiyo ng CHED, Sa madaling salita, hindi na ituturo ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo at idadagdag na lamang ito sa kurikulum na hain ng K12 Program ang plano ng CHED. At dahil sa planong ito marami ang nadismaya at nagrereklamo. At sa pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo, makakabawas ito sa napakaliit na atensyon sa pagaaral at malalim na pagsusuri ng wikang Filipino. At ang wikang ito ang magbibigay sa atin ng talino, tapang at lakas na magsisilbing panimulang-puhunan natin bilang isang bansa.
Tayo ngayon ay nandito sa pilipinas para ipagtanggol ang wikang ibinigay sa atin at ipinamana ng mga bayani. Huwag nating sayangin ang nakamit na tagumpay ng wikang Filipino sa nakalipas na mga dekada. Patuloy tayong magisip, magsulat, makipagtalakayan gamit ang Filipino sa lahat ng antas ng pagkatuto.
Sa panahon ngayon ang kalimitan na iniisip ng ating mga kapwa Pilipino at gobyerno ay kung pano maipapaunlad an gating sarili o bansa. Ngunit pano natin ito maipatutupad kung ang sariling atin ay hindi maipahayag at maituro sa tamang paraan ng ating mga unibersidad at institusyon. Pano natin ito papaunlarin kung tatanggalin ang sariling atin?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento