Biyernes, Oktubre 2, 2015

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

Marami ang benepisyong maaaring maibibigay sa atin ng subject na Filipino, bukod sa matututo tayo ng mga tamang paggamit ng wika, patuloy na mananatili sa ating mgapuso ang pagmamahal sa ating sariling wika.

Hindi katulad ng nangyayari ngayon sa panahon natin na nangingibabaw na ang ingles dahil sa marami itong maaaring maitulong sa atin. Bilang Pilipino dapat na mamulat tayo sa mga ganitong isyu dahil pagtalikod sa ating kinagisnan na wika kung tayo ay papayag sa planong ito ng gobyerno. Bukod pa dito, maaari rin matulungan natin ang mga guro na eksperto sa asignaturang Filipino na bigyan sila ng suporta. Dahil hindi lamang tayo ang makikinabang ditto dahil may mga susunod pa tayong mga henerasyon.

Maraming Pilipino ang nagmumungkahing paunlarin ang sariling atin ngunit pano natin ito maipapatupad kung wala hindi sapat ang kaalaman ng mga estudyante sa mga paksa na naguugnay sa ating bansa. Maaring may alam sila ngunit hindi ba mas sapat kung may mga hawak na paninidigan at katotohanan na nakaakibat sa mga paniniwala ng karamihang Pilipino.

Ang inaasahan naming resulta sa aming nasabing titulo ay maipahiwatig sa karamihang tao ang aming mungkahi na maipatupad ang aming layunin. Sa bagong henerasyon na dadating, ano nga ba ang maibabahagi sa kanila ng bagong batas ng gobyernong iminumungkahi ngayon? Maaaring wala na silang kaalaman pagdating ng kanilang paglaki. Darating ang panahon at sila ay magtatanong kung anong kasaysayan n gating bansa sa kani kanilang pagunlad.

Para saan pa’ng ipinaglaban natin ang ating bayan kung sarili nating wika ay unti unti na nating aalisin.

1 komento:

  1. Harrah's Cherokee Casino & Hotel - MapYRO
    Find https://tricktactoe.com/ your way around the casino, find where everything 출장샵 is located with the most up-to-date nba매니아 information about Harrah's Cherokee Casino apr casino & Hotel sol.edu.kg in Cherokee, NC.

    TumugonBurahin